70k di 420k nasa Leni rally – NCRPO

April 25, 2022 Lee Ann P. Ducusin 101 views

BISTADO ang kampo ni Leni Robredo sa pandaraya sa bilang ng mga taga-suporta na dumating sa kanilang ‘concert rally’ nitong Sabado sa Pasay City.

Ito ay matapos silang ibuko mismo ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na 70,000 lamang ang ‘official crowd estimate’ nila at hindi totoo ang naunang deklarasyon ng mga dilawan na umabot ng 420,000 ang dumalo doon.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Felipe Natividad, hindi umabot sa 420,000 ang dumalo sa rally, sa halip ang opisyal na pagtaya ng kapulisan dito ay umabot lamang sa 70,000 ang mga tao doon.

“‘Yung span ng area na na-coordinate nila parang sinub-divide na natin ‘yan by square meter ‘yung occupied ng tao, tapos we also observe kasi na people go there siguro stay for a while, and then they will leave hindi talaga ‘yung consistent na they’re staying there,” sabi pa ng heneral.

Ang pandarayang ito ng kampo ni Robredo sa bawat crowd estimate na ginagawa nilang rally ay hindi lamang ngayon nangyari.

Ginawa rin nila ito sa rally nila sa Pampanga, Caloocan, Bacolod, Pasig, Cebu at marami pang iba.

Taliwas ito sa ‘campaign slogan’ ng dilawan na ‘Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat!’

“Paanong magiging gobyernong tapat si Robredo eh, ultimo bilang ng kanilang crowd, dinaraya pa? Iyan ba ang gobyernong tapat? Kilabutan naman ang mga dilawan,” sabi ng netizen na si Teresa San Agustin.

“Sabagay d’yan magaling ang dilawan, ang mandaya at linlangin ang taong bayan. ‘Di ba nilinlang nila ang Pilipino nang palitan ng Comelec ang letrang Ñ sa pangalan ng isang kandidato, tapos biglang lumamang siya kay BBM?” sabi naman ni Alona Espinosa ng Marikina City.

“Sila pa ngayon ang may ganang siraan si BBM, eh sila naman itong mandaraya,” sabi pa ni Espinosa.

AUTHOR PROFILE