Wanted Ipinapakita ang mugshots ng pitong suspek na inaresto ng Nueva Ecija police sa magkakahiwalay na operasyon nitong Linggo. KUHA NI STEVE A GOSUICO MULA SA FB NG PIO-NEPPO

7 wanted persons timbog sa N. Ecija

August 7, 2024 Steve A. Gosuico 100 views

CABANATUAN CITY – Pitong personalidad ang natimbog sa isinagawang anti-criminality operations ng Nueva Ecija police kabilang ang isang most wanted person at pagkakasamsam ng loose firearm at mga bala noong Linggo, ayon sa ulat.

Sinabi ni Nueva Ecija top cop Col. Richard V. Caballero na nasakote ng kanyang mga tauhan ang isang 59-anyos na magsasaka, na tinaguriang most wanted person dahil sa krimen ng panggagahasa sa Bgy. Panacsac, General Natividad alas-8:15 ng gabi.

Ang pag-aresto sa suspek ay isinagawa batay sa warrant of arrest na ipinalabas ng Presiding Judge, Family Court, Third Judicial Region, Branch 8, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Hulyo 18, 2024 na may nakatakdang inirekomendang piyansa na P180,000.

Nahuli rin sa magkahiwalay na manhunt operation ang limang wanted person sa San Jose City para sa estafa, sa Laur dahil sa reckless imprudence resulting in homicide, sa Cuyapo dahil sa paglabag sa anti-violence against women and their children act of 2004, at sa Palayan City para sa dalawang bilang ng pagnanakaw.

Samantala, inaresto ng Talavera police sa pamumuno ni Lt. Col. Manny E. Israel ang isang 43-anyos na lalaking walang trabaho mula sa Baguio City dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Bgy. Pagasa dakong 9:45 p.m.

Ang pagkakadakip sa kanya ay ginawa matapos makatanggap ng tip ang mga awtoridad mula sa isang concerned citizen na isang lalaki ang may bitbit ng baril sa nasabing lugar. Nakuha sa suspek ang isang cal. 38 revolver na may apat na bala.

“Ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako ng pulisya ng NEPPO na paigtingin ang kanilang pagsusumikap laban sa kriminalidad at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad,” ani Caballero.

AUTHOR PROFILE