Default Thumbnail

7 suspek na tulak nasakote, P1M shabu nakumpiska sa Morong

January 21, 2025 Christian D. Supnad 101 views

MORONG–Pitong pinaghihinalaang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga ang nasakote at mahigit P1 milyon na halaga ng shabu ang nabawi noong Lunes sa Brgy. Sabang ng bayang ito.

Nahuli ang mga suspek na sina Jeremy Concepcion, May Albino at Jonas Hernald Acosta COSTA matapos magbenta ng shabu sa pulis na poseur-buyer, ayon sa report.

Naaresto rin sina Roderick Menor, Philip Dorongan, Kevin Valdez at Val Baysa sa akto na humihithit ng shabu sa bahay ni Concepcion.

Ayon sa report, ang mga nakumpiskang shabu evidence may estimated weight na 150 grams at may standard price na P1.02 milyon.