Default Thumbnail

7 personalidad na may alam sa pagkamatay ng middleman sa Percy Lapid murder case hawak ng DOJ

October 29, 2022 People's Tonight 357 views

HAWAK na ng Department of Justice (DOJ) ang pitong personalidad na may alam umano sa pagkamatay ng itinuturong middleman sa pamamaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na ang mga taong ito ang maaaring makapagsabi kung planado ang pagpatay kay Jun Villamor na siya umanong tumawag sa mga pumatay kay Lapid.

Kasabay nito, sinabi ni forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun na mayroong mga ebidensya na nagsasabi na pinatay si Villamor sa pamamagitan ng pagsipot sa ulo nito.

Pinagbabaril si Lapid sa Las Piñas noong Oktobre 3.

Noong Oktobre 18 ay humarap naman sa media ang self-confessed gunman na si Joel Escorial na siyang nagturo kay Villamor na tumawag sa kanila upang ipagawa ang pagpatay kay Lapid.

Noong Oktobre 20 sinabi ni Remulla na namatay si Villamor noong Oktobre 18, ang kaparehong araw kung kailan lumabas sa media si Escorial.

AUTHOR PROFILE