Martin1 SELFIE–Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez takes a selfie with President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at the holding room before the second State of the Nation Address (SONA) at the House of Representatives Monday. Romualdez expressed confidence that the chamber would wrap up the final approval of the remaining 10 SONA priority measures before the year ends. Photo by Ver Noveno

7 panukalang batas tapos na sa Kamara

July 25, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 317 views

NAAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang pito sa 17 panukala na hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Kongreso sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Kumpiyansa si Speaker Romualdez, ang lider ng 312 miyembro ng Kamara, na kayang tapusin ng Mababang Kapulungan ang nalalabing 10 pang panukala na nabanggit sa SONA bago matapos ang taon.

Ayon kay Speaker Romualdez, apat ang target aprubahan ng Kamara bago ang break sa Oktubre at anim bago ang break sa Disyembre.

“Sa pagpasa ng lahat ng panukalang batas na hiniling ng Pangulo, umaasa kami na makakatulong kami dito sa House of Representatives na mapalago pang lalo ang ekonomiya, mapasigla ang negosyo, maparami pa ang trabaho at mapalawak ang serbisyong hatid natin sa mga PIlipino,” paliwanag pa nito.

Hindi pa kasama sa 17 SONA priority measures ang panukalang 2023 national budget na inaasahang isusumite naman ng Ehekutibo sa Kamara sa susunod na linggo.

“Of course, the most important bill that we need to discuss and approve the soonest time possible is the 2024 General Appropriations Bill based on the National Expenditure Program prepared by the Executive Department,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

“Ang national budget na ipapasa namin ang magsisiguro na lahat ng buwis na ibinabayad ng mga kababayan natin, gayundin ang iba pang revenue sources na nakokolekta, ay babalik sa taumbayan sa pamamagitan ng mga programa, proyekto at serbisyo,” sabi ng House leader.

Kailangan aniya na magdoble kayod ang House of Representatives para makamit ang self-imposed deadline nito sa mga ipapasang panukala.

Ang pitong SONA priority measures na lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 4102 o Single-Use Plastic Bags Tax Act, House Bill No. 4122 o An Act Imposing Value-Added Tax on Digital Transactions, House Bill No. 6716 o An Act Mandating the Establishment of Fisherfolk Resettlement Areas by the Department of Agriculture, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Environment and Natural Resources, and Local Government Units, House Bill No. 7393 o Anti-Financial Account Scamming Act, House Bill No. 7006 o Automatic Income Classification Act for Local Government Units, House Bill No. 8203 o Bureau of Immigration Modernization Act 7. House Bill No. 4125 o Ease of Paying Taxes Act.

Ang apat na prayoridad na panukala na target tapusin sa Oktubre ang Anti-Agricultural Smuggling, Amendments to the Cooperative Code, Tatak Pinoy at Blue Economy

Ang nalalabing priority measure na nakatakdang aprubahan sa Disyembre ang sumusunod Motor Vehicle User’s Charge, Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension, Revised Procurement Law, New Government Auditing Code, Rationalization of Mining Fiscal Regime at National Water Act.

AUTHOR PROFILE