Default Thumbnail

7 MWPs, 46 iba pa timbog sa Batangas SACLEO

June 1, 2023 Jojo C. Magsombol 134 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Umabot sa 53 “most wanted persons” (MWPs) ang naaresto ng mga kapulisan ng Batangas sa isinagawang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) na sinimulan noong Mayo 24 hanggang 30.

Sa report ni Batangas police director P/Col. Rainerio M. De Chavez kay Police Regional Office (PRO) Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, matagumpay na naaresto ang pitong MWPs at 46 na iba pang mga wanted sa batas.

Malaki ang epekto ng pagkadakip sa dalawang regional level MWPs, kabilang ang isang 23-anyos na residente ng Mataasnakahoy, Batangas sa bisa ng warrant of arrest sa kasong “rape” na inilabas ng Fourth Judicial Region Branch 2, Family Court, (FC) Lipa City, Batangas noong Marso 17, 2023. Nangyari ang insidente noong Abril 19, 2023.

Ang suspek ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Mataasnakahoy MPS (Municipal Police Station), PIT Batangas PPO, RIU 4A, at 403rd AMC RMFB 4A bandang ika-6 ng gabi noong Mayo 24.

Kasunod na nadakip ang isang 43-anyos na binata, at residente ng San Luis, Batangas sa bisa ng order of arrest sa kasong “murder” noong Disyembre 2017 na inilabas ng RTC (Regional Trial Court) Branch 16, sa operasyon na isinagawa ng mga otoridad ng mga bayan ng San Luis at Lemery kasama ang grupo ng RIU4A PIT Batangas.

Ang provincial level na MWP, isang 73-anyos na karpintero at residente ng Batangas City ay naaresto rin ng Batangas City police kasama ang PIU-Batangas PPO sa bisa ng alias warrant of arrest sa kasong lascivious conduct and acts of lasciviousness (two counts).

Huli din ang “rank no. 3” na residente ng Calatagan, Batangas, sa operasyon ng Calatagan police, 403rd AMC, RMF4A at PIU BPPO sa bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated murder na inilabas ng RTC Fourth Judicial Region, Branch 11 Balayan, Batangas at may inirekomendang piyansa na P200,000.

Tatlo naman ang nadakip sa city/municipal level ang isang residente ng Lemery, Batangas sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Art. VI, Sec. 10 (A) at Sec. 10 (E) of RA 7610 na inilabas ng RTC Branch 86 Taal, Batangas noong Oktubre 22, 2015, Mayo 16, 2013, at Mayo 15, 2015 na may piyansang P200,000 sa bawat kaso.

Nadakip rin ang isang wanted sa batas sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Estafa na inilabas ng MTC, Branch 2, San Pablo City, Laguna na may petsang Marso 4, 2019 at isang helper at residente ng Tanauan City, Batangas sa bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide na inilabas ng RTC, Branch 47, San Fernando, Pampanga noong Mayo 15, 2023 na kapwa nahuli sa Batangas.

AUTHOR PROFILE