PCG

7 fishers nasagip ng PCG mula sa lambat ni Kamatayan

July 31, 2023 Zaida I. Delos Reyes 205 views

PITONG mangingisda ang sinagip ng Philippine Coast Guard matapos na pasukin ng tubig ang kanilang bangka habang naglalayag sa pagitan ng Masbate at Iloilo.

Batay sa ulat ng PCG, humingi ng tulong sa kanilang tangganap ang may-ari at operator ng FBNCA ANEERIE na si Roldan Magnahoy.

Base sa imbestigasyon, lumaot ang mga biktima lulan ng naturang fishing boat para mangisda noong Hulyo July 23.

Sa kasamaang palad, inabutan ang mga biktima ng bagyong Egay kaya’t minabuti nilang huminto sa Jintutulo island at nagpasyang silang bumalik sa Estancia, Iloilo noong Hulyo 28.

SA gitna ng kanilang paglalayag hinampas sila ng malalaking alon dahilan upang magka-aberya ang fishing boat at pasukin ng tubig sa Gigantes Island sa Carles, Iloilo.