7 drug suspek tiklo sa Maynila

August 20, 2021 Francis Naguit 87 views

Naglansag ang pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency RO-NCR MDO, NDO at Manila Police District (MPD) Police Station 6 ng buy-bust operation kung saan naaresto nila ang pitong suspek.

Arestado sa buy-bust operation nitong nakalipas na Agosto 19 sa ganap na alas-kuwatro ng hapon sina Chistopher Donina y Chris, maintainer ng drug den at residente ng 704-A Cactus St., Bgy. 900 Punta, Sta. Ana, Manila;

Ruel Balatucan Sr. y Chavez, 46, driver at electrician, residente ng 704B Cactus St., Bgy. 900, Punta, Sta. Ana;

Dennis Buaco y Gaton, 47, farmer, nakatira sa 713 Cactus St., Bgy. 900, Punta, Sta. Ana;

Arvin Ken Iwayan y Alarcon, 29, bartender, nakatira sa 409 Tan-agan St. Bgy. 900 Punta, Sta. Ana;

Ron Erick Morales y Parane, 32, construction worker, residente ng 711 Cactus St., Bgy. 900, Punta, Sta. Ana;

Hilario Banzuela y Asenjo, 51, construction worker, residente ng 713 Cactus St., Bgy. Punta, Sta. Ana; at Joel Nicdao y Salavador, 44, construction worker, residente ng 818 Ilang-Ilang St., Punta, Sta. Ana.

Nakumpiska ng mga operatiba ang mga sumusunod: 10 kilos shabu, assorted drug paraphernalia, P1,000 bill sa taas ng boodle money, at isang cellphone unit na Samsung touchscreen.

Sinabi ni MPD Director Leo Francisco na walang tigil ang kanila operasyon sa iligal na gawain sa Lungsod ng Maynila. Nina Nina Francis Naguit & JonJon Reyes

AUTHOR PROFILE