Default Thumbnail

648 tao nabiyayaan sa ๐“UPAD p๐š๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ sa Bataan

October 9, 2023 Christian D. Supnad 382 views

DINALUPIHAN, Bataan–Umaabot sa 648 katao ang nabiyayaan muli ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa bayang ito.

Kasama ang Basic Environmental Systems and Technologies, Inc. (BEST) at Department of Labor and Employment (DOLE), sinabi ni Congresswoman Gila Garcia na matagumpay na naisagawa ang TUPAD payout para sa 648 na benepisyaryo.

โ€œSa gawaing ito, naipamahagi na rin po natin sa mga benepisyaryo ang kanilang P4,600 bilang sahod sa kanilang 10 araw na pagtatrabaho,โ€ ani Garcia.

Sinabi rin ng congresista na nais niyang ipaabot ang kanyang taos pusong pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Dinalupihan sa pangunguna ni Mayor Tong Santos, MSWDO-OIC Cristina Banal, PESO Manager Hector Lintag, MENRO Head Janice Ann Imperial, DENR, CENRO, EMB, lahat ng Eco Warriors, daycare workers at daycare parents, sa pagsuporta at pakikiisa sa proyektong ito.

Dinaluhan at sinuportahan din ito nina Pusong Pinoy Partylist Cong. Jett Nisay, Bokal Harold Espeleta, Bokal Popoy Del Rosario, Mayor Tong Santos, Vice Mayor Fer Manalili, SB Melvin Tongol, SB Gary David, PENRO Raul Mamac at EMB Region 3/PEMU Bataan Glen Freddie Aguilar.