Patay Inaasiste ng mga funeral attendants ang lolo na wala ng buhay matapos mabundol ng isang motorsiklo sa Sta. Ana, Manila.

60-anyos nasalpok ng motor sa harap ng ospital, dedo

November 11, 2024 Jonjon Reyes 139 views

PATAY ang 60-anyos na lalaki makaraang salpukin ng rumaragasang magkaangkas sa motorsiklo habang tumatawid sa harap ng Sta. Ana hospital sa New Panderos St., Sta. Ana, Manila noong Linggo.

Namatay noon din ang biktimang si alyas Dennis, ayon sa report, at sugatan ang angkas sa motorsiklo na si alyas Claire, 22.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne, bandang alas-10:00 ng gabi ng maganap ang insidente habang tumatawid sa kabilang kalye ang biktima.

Nabanga ng paparating na motorsiklo na minamaneho ni alyas Jio, 21, ang biktima.

Tumilapon ng ilang metro ang biktima na nag-ugat ng kanyang kamatayan.

AUTHOR PROFILE