Kumpiskado KUMPISKADO–Kinumpiska ng mga awtoridad ang ginamit na backhoe sa illegal na quarrying/mining sa Bataan noong Huwebes.

6 timbog sa illegal quarrying/mining sa Bataan

February 17, 2024 Jonjon Reyes 361 views

INARESTO ng National Bureau of Investigation-Environmental Crimes Division (NBI-EnCD) noong Huwebes ang anim na sangkot sa illegal quarrying/mining sa Hermosa, Bataan.

Ipinagbabawal sa ilalim ng Section 103 (Theft of Minerals) ng RA 7942 (Philippine Mining Act of 1995) ang ginagawa ng anim na lalaki, ayon sa NBI.

Kinilala ang mga naaresto na sina Domingo Leal, Saldy Adelantar, Rio Bueno, Mark Anthony Santos, Arjay Mamalateo at Christopher Alba.

Talamak umano ang illegal mining/quarrying activities sa Brgy. Maambog, Hermosa, Bataan at wala ding permit mula sa Provincial Mining Regulatory Board ng Bataan at sa Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau Region III.

Natiklo ang anim sa entrapment sa MaxPhil World Management Development, Inc. (Maxphil).

Nakumpiska rin sa operasyon ang mga truck at backhoes na ginagamit sa illegal na aktibidad.

Agad ding naglabas ng Cease-and-Desist Order ang DENR laban sa Maxphil.

AUTHOR PROFILE