Posas

6 sa 8 holdaper sa Sta. Ana vape shop nahuli

July 28, 2023 Jonjon Reyes 445 views

NAHULI na ng mga operatiba ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District ang anim sa walong holdaper na nanloob sa E-cigarette vape shop sa Sta. Ana, Maynila noong Hulyo 24.

Kinilala ang mga natimbog na sina Mark Benjo Jose Macapagal, 29; Steven Astronomo, 22; Jeremaicah Cruz, 33, pawang residente ng Pandacan, Manila; Paul Joseph Hermoso, 37, ng Remigio St., Sta.Cruz, Manila at Vicente Trasmil lll, 40, ng San Andres Bukid.

Patuloy namang tinutugis ang dalawa pang kasama ng anim na suspek, ayon sa pulis.

Sa pangunguna ni Police Major Edwin Malabanan, hepe ng MPD Follow- Up Unit and Intelligence Section, sunod-sunod na naaresto ang anim sa tulong ng backtracking ng mga CCTV na nakakabit sa mga establisyemento na malapit sa pinangyarihan ng holdapan.

Ayon kay Police Major. Philipp Ines, chief ng PIO at tagapag salita ng MPD, tinangay ng walong holdaper ang mga gamit sa E- Cigarette Vape sa ika-2 palapag ng gusali sa Tejeron St., Sta Ana, Manila noong Lunes ng gabi.

Pinuri nina MPD director Police Brigadier General Andre Perez Dizon at NCRPO Chief Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga nakahuli sa anim na suspek.

AUTHOR PROFILE