Paralympians Ang anim na Pinoy Paralympians na binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tig-P1 milyong cash incentive.

6 na Pinoy Paralympians may tig-P1M kay PBBM

September 12, 2024 Chona Yu 107 views

BINIGYAN ng tig-P1 milyong pabuya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anim na Filipino Paralympians na sumabak sa 2024 Paris Paralympics.

Ibinigay ni Pangulong Marcos ang pabuya sa meet-and-greet ng mga atleta sa Palasyo ng Malakanyang.

Kabilang sa mga tumanggap ng tig-P1 milyon sina Cenfy Asusano, Augustina Bantiloc, Allan Ganapin, Ernie Gawilan, Jerrold Mangliwan at Angel Otom.

Kasama ng mga atleta ang kanilang mga pamilya.

Bukod sa cash incentives, binigyan din ni Pangulong Marcos ng Presidential citation ang anim na atleta.

Ayon sa Pangulo, ipinagmamalaki ng buong bansa ang anim na atleta.

Pinayuhan ni Pangulong Marcos ang anim na magsimula nang magsanay para sa susunod na kompetisyon.

Dumalo rin sa meet and greet sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Philippine Paralympics Committee president Michael Barredo at presidential sons na sina Joseph Simon at Vinnie Marcos.

AUTHOR PROFILE