Default Thumbnail

6 na parak sibak sa pangongotong

July 13, 2023 Jonjon Reyes 398 views

KASALUKUYANG pinaghahanap ngayon ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang anim nilang kabaro kabilang ang limang na umano’y nangikil ng pera sa may-ari ng computer shop sa Sampaloc, Maynila noong gabi ng Hulyo 12.

Nakatalaga ang limang pulis sa MPD-District Police Intelligence Division (DPIOU/DID).

Base sa inisyal na imbestigasyon, pumunta ang anim na suspek sa computer shop sa Matimyas St., kanto ng Susan St., sa Sampaloc pasado alas 11 ng gabi.

Sinabi ng may-ari ng computer shop na si Herminigildo Dela Cruz na nagpakilalang pulis ang mga lalaki at nagsasagawa ng operasyon laban sa illegal online gambling.

Hiningan umano ng anim na pulis ng P40,000 ang may-ari ng computer shop para hindi siya arestuhin sa kasong illegal gambling .

Nakilala ang anim, na pawang sinibak na ng MPD, na sina Staff Sgt. Ryann Tagle Paculan, Staff Sgt Jan Erwin Santiago Isaac. Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol, Pat Jeremiah Sesma Pascual, Pat John Lester Reyes Pagar at ang civilian na si Menay Martinez.

Kinuha ng mga suspek ang P3,500 mula sa lamesa ng biktima kasama ang isang 500- gigabyte computer hard disk drive kung saan naroon ang kuha ng CCTV footage sa loob ng shop.

Hinirit din umano ng mga suspek sa biktima na magbigay ng P4,000 tuwing linggo bilang “protection money.”

AUTHOR PROFILE