Default Thumbnail

6 na loose firearms isinuko sa Basilan

February 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 222 views

ANIM na loose firearms ang isinuko ni Tipo-Tipo Mayor Arcam Istarul sa tropa ng militar nitong Biyernes sa Joint Task Force Basilan.

Ito ang kinumpirma ni AFP-Western Mindanao Command (Westmincom) Public Affairs Office (PAO) Chief Lt. Col. Abdurasad D.Sirajan.

Ang mga armas ay isinuko ni Mayor Istarul kay Brig. Gen. Domingo Gobway, Commander ng Joint Task Force Basilan sa isang simpleng seremonya sa municipal gymnasium sa naturang bayan.

Kabilang sa mga isinuko ang apat na M1 Garand rifles, isang M1 carbine at isang shotgun.

Ayon kay Gonway, malaki ang naitulong ng 18th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pangungumbinsi sa mga residente sa iba’t ibang barangay sa Tipo-Tipo na isuko ang kanilang mga loose firearms.

Napag-alaman na isang miyembro ng private armed group ang nagsulo ng kanyang M14 rifle.

Kaugnay nito, 35 na armas mula sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Civilian Volunteer Organizations (CVOs) ang isinuko din para sa stenciling.

Matatandaang noong Enero 30, aabot sa 23 loose firearms ang isinuko din sa militar sa Basilan.

Ang mga armas ay personal na ibinigay ni Hadji Muhtamad Mayor Arsina Nanoh kay Brig. Gen. Gobway.

Pinuri naman ni Lt. Gen. Roy Galido, Commander ng Western Mindanao Command ang JTF Basilan sa kanilang pagsisikap na tuldukan ang pagkalat ng loose firearms sa Basilan.

“Our implementation of the Small Arms and Light Weapons (SALW) program initiated by OPAPRU and the provincial government of Basilan has brought substantial gains in our campaign against the proliferation of loose firearms,” pahayag ni Galido.