Drugs Ito ang bagong mukha ng Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District (MPD) na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Roberto Mupaz at sakop nito ang lugar sa Globo De oro, Muslim Center, ang kahabaan ng C.M. Recto Sta. Cruz patungong Mendiola San Miguel at Carlos Palanca na nakapaligid sa Malacañang Palace. Kuha ni Jon-jon Reyes

6 kalaboso sa Malate, Quiapo drug busts

January 18, 2023 Jonjon Reyes 640 views

DAHIL sa walang humpay na pinaiiral na “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement (SACLEO) na programa ng pamunuan ng Manila Police District (MPD), anim na suspek ng ilegal na droga ang natimbog sa magkahiwalay na lugar sa Malate at sa Quiapo, Maynila iniulat ng pulisya.

Unang naglatag ng isang buy-bust operation ang mga tauhan ng Malate Police Station (PS) 9 sa Taft Avenue, malapit sa Castro Street sa Malate.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Salvador Tangdol, PS 9 station commander, bandang 9:40 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa pangunguna ni P/Maj. Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Anti-Illegal Drug Enforcement Unit (SDEU), para bingwiting ang target ng operasyon na si alyas “Topeng,” 29, binata, tambay, ng Leveriza St. sa Barangay 705, at dalawang parokyano na nadamay at tuluyang inaresto.

Samantala, minuto lang nang ikasa ng mga tauhan ni P/Lt. Roberto Mupas, commander ng MPD Barbosa PS 14 sa pangunguna ni P/Maj. Gil John Lobaton, SDEU chief, ang pag-aresto sa tatlong suspek sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Mupas, bandang 9:50 ng gabi, nang ilatag ng kanyang mga tauhan ang operasyon at inaresto si alyas “Herrero,” 24, binata, residente ng Fraternal St. sa Bgy. 385, Quiapo.

Natimbog din ang dalawang kasabwat nito sa bentahan ng ilegal na droga kabilang ang isang lalaking nakatala sa barangay drug watchlist.

Ang anim na akusado ay pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 Article ll (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

AUTHOR PROFILE