6.1 lindol niyugyog R3, R4, Metro Manila

May 22, 2022 Jun I. Legaspi 59 views

YINUGYUG ng magnitude 6.1 na lindol ang Region 4, Region 3 at Metro Manila, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa inilabas na official report ng agency ang lindol ay tumama 18 kilometers north at 54 kilometers ng Calatagan, Batangas.

Ayon pa sa agency, tectonic ang origin nf lindol at 122 kilometer ang lalim nito sa lupa.

Dahil sa malakas na pag-uga ng lupa naramdaman ang Intensity IV sa Calatagan, Batangas, Puerto Galera, at Oriental Mindoro.

Intensity III naman ang naramdaman sa Quezon City; Pasay City; Pasig City; Tagaytay City; Mendez, Amadeo and Alfonso, Cavite; Obando, Plaridel, San Idelfonso, at Malolos sa Bulacan;

Intensity II – Abucay, Bataan; Gapan City, Nueva Ecija; Castillejos, Zambales; Mandaluyong City; Manila City; Makati City; Tanay, Rizal; Guagua, Pampanga; Tagaytay City; Calapan City, Oriental Mindoro; Batangas City; Olongapo City, Zambales; at Gumaca, Quezon.

Intensity II naman ang naramdaman sa mga lugar ng Talisay, Batangas; Mauban and Dolores, Quezon ; Roxas and San Jose, Occidental Mindoro; Muntinlupa City; Gapan City; Nueva Ecija; Pandi at Marilao, Bulacan; Mulanay, Quezon; Las Pinas City; Marikina City; Malabon City; Cabanatuan City

Naramdaman din ang Intensity I sa Los Banos, Laguna; Iba, Zambales; Pasig City; Quezon City; Tayabas, Polillo, Lopez, San Francisco and Lucban, Quezon; at Baler, Aurora.

Mariing pinag iingat ng mga awtoridad ang publiko lalo na sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol.

Ayon sa agency nangangalap pa sila ng mga impormasyon kaugnay sa malakas na pag lindol. Ni JUN I. LEGASPI

AUTHOR PROFILE