Default Thumbnail

50 sasakyan sa Maynila hinatak ng MMDA

May 24, 2022 Jonjon Reyes 301 views

TINATAYANG nasa 50 sasakyan ang na-impound ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang clearing operation sa pamumuno ni Col. Bong Nebrija nitong Martes ng umaga sa may Felix Huertas, Sta. Cruz, Maynila.

Kabilang dito ang mga nakaparadang sasakyan, motorsiklo, at mga sirang sasakyan na nakaimbak sa kalsada.

Ang mga ini-impound na sasakyan ay dadalhin sa MMDA Impounding Area sa Pasay City at doon na lamang tutubusin ng mga may-ari.

Ilang may-ari ng mga sasakyan naman ang nagreklamo dahil sila umano ay nagbabayad ng overnight parking sa ilang attendant sa lugar na nagpaparada ng sasakyan.

Sinabi ng MMDA na ang Felix Huertas Street ay hindi maaaring gawing “parking” dahil ang kalsada ay tagos hanggang sa Rizal Avenue. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE