Sunog

50 pamilya naabo bahay sa sunog sa Munti

March 3, 2025 Edd Reyes 180 views

MAHIGIT 50 pamilya ang naabo ang tirahan sa halos dalawang oras na sunog na lumamon sa 50 kabahayan sa Muntinlupa City.

Dakong alas-5:25 ng umaga sumiklab ang sunog sa bahay nina Matel Elyarina at Hermenegildo Maglana sa Purok 11, Sitio Masagana, Alabang Town Center sa Brgy. Alabang. Mabilis na kumalat sa mga katabing kabahayan ang sunog, ayon sa report.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago idineklarang under control ng alas-6:33 ng umaga at tuluyang naapula alas-7:08 ng umaga.

Sinabi ni Muntinlupa Fire Marshal F/Supt. Rowena Gollod na walang nasawi at isang residente ang nahirapang huminga sa naganap na sunog.

Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng mga ari-arian na naabo pero hindi pa alam kung ano ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

AUTHOR PROFILE