crisologo

5-year validity ng PWD cards isinusulong

August 23, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 521 views

PAPALAKASIN ng isang panukalang batas ang Republic Act (RA) No. 7277 o Magna Carta for Persons with Disability upang mas makapagsilbi sa mga may kapansanan.

Sa ilalim ng House Bill (HB) 7091 na inihain ni Quezon City 1st District Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo, layunin nitong gawing limang taon ang bisa ng mga PWD Cards.

Sinabi ni Crisologo, kasapi ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) na pinamumunuan ni House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez na magkakaroon din ng istriktong pagpapatupad ng RA No. 7277 para matiyak na nakikinabang sa kanilang mga benepisyo ang PWD sa bansa.

Ayon kay Crisologo, isasagawa ang taunang evaluation ng listahan ng mga benepisyo para sa PWD’s sa layuning magkaroon ng wastong datos.

“This Bill seeks for the exact and more rigorous enforcement of the Magna Carta for PWD’s to deter individuals who take advantage of the said Act by penalizing any person who is instrumental in the issuance of a PWD Card to an unqualified person and unqualified individuals who falsify documents to avail the benefits of the Act,” ayon kay Crisologo.

AUTHOR PROFILE