5 timbog sa P10.5M cigarette smuggling
LIMA katao ang arestado dahil sa P10.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Balayan, Batangas.
Kinilal ni Police Regional Office (PRO) 4-A Director Police Brig. Gen. Carlito Gaces ang mga naaresto na sina Benigno Alvarez, Modesto Eronico, Efren Eronico, Mark Joseph Cardinal at Kevin Renz Benedict de Villa.
Naaresto ang mga suspect ng pinagsanib na pwersa ng Regional Special Operations Unit 4-A, Balayan Municipal Police Station, Batangas Provincial Intelligence Unit at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Nakuha mula sa mga suspects ang 701 kahon ng New Orleans at H&P na sigarilyo na nagkakahalaga ng P15,000 bawat kahon at buy-bust money.
Ayon kay Gaces, bahagi ng kampanya ng gobyerno ang operasyon laban sa illegal na aktibidad at kriminalidad sa Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon.
Nakakulong ngayon sa Balayan Municipal Police Station ang lima habang hinihintay ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.