MPDPS6

5 tiklo sa pambubugbog ng estudyante sa Sta. Ana

September 2, 2022 Jonjon Reyes 642 views

ARESTADO ang limang lalaki matapos pagtulongang bugbogin ang isang estudyante sa Sta. Ana, Maynila Huwebes ng gabi, Setyembre 1, 2022.

Ayon kay P/Lt. Col. Orlando Mirando, commander ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station 6, ang 19-anyos na biktima ay residente ng Silang, Cavite.
Mahaharap naman sa kasong frustrated homicide ang limang naarestong suspek.

Sa imbestigasyon ng MPD Station 6, galing ng Antipolo ang biktima kasama ng kanyang mga kaibigan para mag-hapunan sa pagsapit ng kahabaan ng Tejeron Street panulukan ng Dela Rosa St. sa Sta. Ana nang tatlong motorsiklo ang humarang sa kanilang sasakyan pasado alas-11 ng gabi nitong Huwebes.

Isa sa mga suspek ay asawa umano ng kanilang kaibigan. Bumaba sa motorsiklo ang isang suspek at sapilitang binuksan ang sinasakyan ng biktima na noo’y nakaupo sa front passenger seat. Dito na pinagtulungan bugbugin ng mga suspek.

Dahil sa direktiba ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon na panatilihin ang pagpapatupad ng pagpapatrolya, tiyempo namang napadaan ang mga nagpapatrolyang mga tauhan ng Dagonoy PCP (Police Community Precinct) MPD Station 6 sa nasabing lugar at dito na nakita ang nangyaring komosyon na nagresulta upang maaresto ang mga suspek.

Dinala naman sa Ospital ng Maynila ang biktima para sa medical treatment habang ang mga suspek ay dinala sa PNP Crime Laboratory, Medico-Legal Division, Camp Crame, Quezon City para sa medical requisite at Station 6 para naman sa tamang imbestigasyon at disposisyon.

Inaalam din ang motibo ng pananakit sa biktima at nakatakda na rin iharap sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang mga naarestong suspek.

AUTHOR PROFILE