Default Thumbnail

5 tiklo sa P450K shabu sa Punta ‘drug den’

October 27, 2022 Jonjon Reyes 322 views

LIMANG katao ang inaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station (PS), katulong ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pagsalakay sa sinasabing “drug den” sa Punta Sta. Ana, Maynila martes ng hapon.

Ayon kay P/Brig. Gen. Andre Perez Dizon, MPD Director, si alyas “Tana” na siyang target sa operasyon ay nasakote ng mga awtoridad sa nasabing lugar sa Sta. Ana.

Dalawang kasabwat umano nito ang nalambat rin pati ang mga parukyano nito matapos maaktuhan sa “pot session” sa loob ng isang bahay.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD Sta. Ana Police Stn. 6, pasado alas 3:40 ng hapon, habang kasagsagan ng malakas na ulan nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PNP-MPD at ng PDEA ang sinasabing hideout ng mga suspek kung saan ang bahay mismo ng target ng operatsyon ang ginagawang puwestuhan ng mga gagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon naman sa PDEA, nagsagawa sila ng isang “test buy” sa nasabing lugar dahil sa impormasyon ng isang impormante kaya’t agad silang nakipagkoordina sa MPD Stn. 6 sa pamumuno ni Mirando Jr.

Kaya’t nang magpositibo ang operasyon, agad na tinungo ng mga kapulisan kasama ang SDEU ng Sta. Ana PS matapos makakuha ang poseur buyer umano ng 0.3 gramo ng shabu.

Nakumpiska ang 18 gramo ng shabu na may street value na P450,000 pesos at mga drug paraphernalia.

Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Article ll (Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002).

AUTHOR PROFILE