Default Thumbnail

5 rebelde, 1 pulis patay sa bakbakan

February 23, 2024 Zaida I. Delos Reyes 161 views

LIMANG miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang pulis ang namatay sa naganap na engkwentro sa Bilar, Bohol.

Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Chief Colonel Louie Dema-ala, nakilala lang sa alyas na Ompoc ang isa sa mga napatay na rebelde.

Sa pahayag naman ng Armed Forces Visayas Command (VISCOM), si Domingo Jaspe Compoc, mas kilala sa tawag na Silong, ang leader ng rebeldeng NPA sa Bohol.

Ayon pa sa ulat, si mayroong P2.6 milyong patong sa ulo si Compos para sa iba’t-ibang kasong kinakaharap nito gaya ng rebellion, homicide, attempted homicide, multiple murder, frustrated murder at robbery.

Ayon kay Dema-ala, isang miyembro din ng Philippine National Police (PNP) ang nasugatan sa engkwentro.

Nagsimula ang bakbakan sa pagitan ng Bohol Police Provincial Office at 47th Infantry Battalion at rebeldeng NPA- Bohol Party Committee dakong alas-6:52 ng umaga.

Patuloy pa rin ang bakbakan habang isinusulat ang balitang ito.

Naakuha mula sa pinangyarihan ng bakbakan ang ang M653 assault rifle, R4 assault rifle, M16 rifle at tatlong kalbre .45 na pistol.