5 patay sa karambola ng 3 sasakyan sa Davao Occidental
PATAY ang limang tao sa karambola ng tatlong sasakyan nitong Miyerkules ng hapon sa kahabaan ng Digos-Malita road sa Sta Maria, Davao Occidental.
Nakilala ang mga nasawi na sina Althea Jam Gallo, Geline Lyra Albarracin, Edilberto Decipoli, Carlo Aligre at isang driver na hindi pa nakikilala.
Batay sa ulat ng PNP, naganap ang aksidente dakong 4:45 ng hapon na kinasasangkutan ng isang pick-up, motorsiklo at dump truck.
Sa inisyal na ulat, mabilis ang takbo ng pick-up na minamaneho ni Salvador Senarillos kaya’t nabunggo nito ang likurang bahagi ng motor sa sinasakyan nina Gallo at Albaraccin.
Sa lakas ng impact ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawang babae na naging sanghi ng kanilang kamatayan.
Nabangga rin ng pick-up ang dump truck na naging sanhi ng kamatayan ng driver nito at dalawang pahinante.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.