Default Thumbnail

5-minutes almusal recipes

February 17, 2022 People's Tonight 535 views

PARA sa mga always on the go, narito ang mga pang-almusal na maaring gawin at kainin sa loob ng limang minuto lamang.

1.) Spam egg fried rice

• Initin ang kawali at maglagay ng 3-4 tbs na mantika.
• Iprito ang nahiwang spam cubes, isabay ang bawang at hintayin na mag golden brown.
• Mag lagay ng tig 1 tbs ng soysauce, oyster sauce at brown sugar.
• Maglagay ng itlog bago ihalo ang one day old na kanin.

2.) Cornsilog

• Igisa ang bawang at sibuyas sa pre-heated na kawali na may 2 tbs ng mantika.
• Ihalo ang day old na kanin.
• Ilagay ang canned corned beef at itlog sa kanin.
• Mag dagdag ng salt and pepper to taste.

3. Ginisang Itlog sa Kamatis

• Mag bate ng apat na itlog sa isang malinis na mangkok habang pinapainit ang kawali na may 3 tbs ng mantika.
• Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis hanggang sa lumambot.
• Ihalo ang itlog at hintaying maluto.

Ihain habang mainit pa. Enjoy!. Ni BLESSIE AMOR, OJT

AUTHOR PROFILE