Default Thumbnail

5 katao patay, 2 sugatan sa banggaan ng SUV at trailer truck sa DRT

June 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 276 views

LIMA katapo kabilang ang tatlong Korean nationals at dalawang Pinoy ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan sa banggaan ng isang sports utility vehicle (SUV) at trailer truck sa kahabaan ng Dona Remedios Trinidad (DRT) highway sa Barangay Sabang, Baliwag Bulacan nitong Miyerkules ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Allen Arucan Bulandos, driver ng Toyota Fortuner , residente ng Talavera, Nueva Ecija; Rosalinda Capinlac at mga South Koreans na sina Miseon Kim, Jinoh Kim at Park Misoon.

Nasa kritikal na kalagayan naman sina Geraldin Capinlac at Theresa Adio pawang mga residente rin ng Nueva Ecija.

Sinabi ni Baliwag City Police Chief Lt. Col. Julius Alvaro na naaresto rin ng mga awtoridad ang driver ng trailer truck na may plakang NEG-9876 na si PJ Salaysay Calma.

Sa inisyal na ulat, binabagtas ng SUV ang south –bound lane ng highway nang bigla itong salpukin ng trailer truck na nasa kabilang linya.

Galing umano ang SUV sa Nueva Ecija nang bigla itong napaliko sa kabilang linya dahilan upang sumalpok sa truck na may kargang buhangin na patungo naman sa San Rafael, Bulacan.

Naisugod pa ang mga biktima sa Baliwag District Hospial subalit lima sa kanila ang idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman na patungo na ang mga biktima sa airport matapos magbakasyon sa Pilipinas nang maganap ang aksidente.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.