5 jeep drivers positibo sa shabu
LIMA sa 69 jeepney drivers ang nagpositibo sa droga sa random inspection na ginawa ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa dalawang lugar sa Makati City.
Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III ang 69 na jeepney driver ay naka-base sa terminal sa Makati Loop Terminal sa Delpan at Guadalupe Terminal.
Sinabi pa ni Verzosa na sa Makati Loop Terminal sa Delpan, dalawa ang nagpositibo sa paggamit ng shabu. Sa Guadalupe Terminal, tatlong driver ang nagpositibo rin
Ayon kay Verzosa, pinamahalaan ito ni LTO-NCR Assistant Regional Director Hanzley H. Lim kasama ang mga miyembro ng Makati Anti-Drug Abuse Council, PNP Traffic Division Makati, at Public Safety Department ng Makati
“This joint operation was done to implement City Ordinance No. 2018 entitled Drug-Free Workplace of the City of Makati,” focusing on the public transportation sector in relation to Republic Act No. 10586, or the “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013,” saad ni Verzosa.
“The report I received stated that five of the 69 jeepney drivers who were tested were positive for drug use.”
Ang programa ay sa ilalim ng patnubay ni Transportation Secretary Jaime “Jimmy” J. Bautista at LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II..
Kinumpiska rin ang mga lisensya ng limang driver ng PUV na nagpositibo sa shabu habang hinihintay ang resulta ng kanilang mga confirmatory test.