WHAT'S NEW

SEE ALL
Default Thumbnail

5 huli sa shabu buy-bust

February 4, 2022 Jonjon Reyes 229 views

SWAK sa selda ng Manila Police District Moriones Police Station 2 ang 5 katao sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Tondo, Manila umaga nitong Biyernes.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 (Selling and Possesion of Dangerous Drug ) Article ll ng RA 9165 ang mga suspek na nakilalang sina Nicolas Badeo Jr., 52, aka “Toto” ng Brgy. 28 Tondo, ang kapatid nitong si Noli, 44, Brgy. 29, Tondo, John Michael Cruz, 36, at Myrna Ramirez, 49, biyuda, kapwa residente ng Sgt. Mabagos St., Tondo, at isang Lesley Pondoc, 34, dalaga.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, Commander ng Station 2, bandang 9:00 ng umaga, nang ilatag ang buy-bust operation sa panulukan ng Kagitingan St., at Sgt. Mabagos St. sa Brgy.28, Tondo.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P/Cpl. Darel Capispisan, ipinain nito ang P200 sa target ng operasyon na si Badeo Jr., at nang magkaabutan ng pera at droga, dito na dinakip ang suspek ng mga awtoridad.

Narekober ang anim na bultong hinihinalang shabu na nasa 10.50 gramo na may katumbas na halagang P68,340 at marked money.

Nasa presinto na ang limang suspek at walang inilaang piyansa sa mga ito. Jon-jon Reyes at C.J Aliรฑo

AUTHOR PROFILE