5-day compassionate leave itinutulak
UMAASA si 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy V na maipapasa sa Kongreso ang panukalang batas na nagkakaloob sa mga manggagawa ng karagdagang “leave days” para dumalo sa mga kaganapan sa pamilya.
Inakda ni Rep. Dy ang House Bill No. 8822 na nagkakaloob sa mga empleyado na nasa pribado at publikong sektor ng 5 araw na compassionate leave benefits.
Kinikilala ng House Bill No. 8822 ang “strong family ties”. Sa pamamagitan ng hakbangin, umaasa sy Rep. Dy na mabawasan ang balikatin ng mga empleyadong humaharap sa krisis sa kanilang pamilya.
“Our employees should not have to be punished for attending to crucial family matters by being docked their pay for the day,” Diin ng Isabela Solon
Sa ilalim ng panukalang batas, ang 5 compassionate leave ay maaring gamitin para dumalo sa mga “critical family matters” katulad ng pagkakasakit at pagkamatay ng “immediately family members” o kamag-anak “within the third degree of consanguinity or affinity”.
Kuwalipikado sa benelisyong ito ang mga empleyadong nakapagtrabaho ng 6 na buwan. Ang 5-day compassionate leave ay non-cumulative at non-convertible sa cash.
Ang leave ay ipagkakaloob bilang karagdagang kasaluyang leave benefits ng mga empleyado sa ilalim ng umiiral na batas at regulasyon.
Sinabi ng Kongreista na ang compassionate leave ay tiyak na magbibigay ng benepisyo sa organisasyon.
“With this measure, we boost the morale of the employees, and improve job satisfaction, productivity, and overall wellness, which ultimately benefits our organizations,” giit ni Dy.
Tinatalakay ang panukalang batas sa House Committee on Labor and Employment.
“Umaasa po tayo na sa tulong ng deliberasyon sa komite ay mapabuti pa natin ang panukala upang maging mas epektibo ito at tunay na makatulong sa mga kababayan natin,” Dagdag ng mambabatas.