Default Thumbnail

5 Chinoys, Pinay timbog sa kidnap

May 30, 2022 Jonjon Reyes 332 views

LIMANG Chinese national kabilang ang isang Filipina ang naaresto sa isinagawang follow-up operation matapos kidnapin ang kanilang 26 na kabaro at nadiskubre dahil sa isang lalaki kaya agad na nasalakah ang kanilang hideout sa Sta.Ana, Manila nitong Linggo.

Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code ( kidnapping and Serious Illegal Detention ) ang mga suspek na nakilalang sina Bo Wen Li ‘, 31 ; Ma Jian Cun , 23 ; Yan Ming , 25 ; Wu Jin Mai, 25 pawang nanunuluyan sa 2331 Garrido St., Sta.Ana, Manila at ang Pinah na si Merry Joy Segador , 29.

Batay sa ulat ni P/ Lt Col.Orlando Mirando Jr., Manila Police Station 6 commander, bandang 11 p.m. nang masakote sila sa kanilang hideout sa naturang lugar.

Una rito, nagkasa umano ng ransom money ang mga suspek sa halagang P300,000 para sa kalayaan ng biktimang si Zheng Haoang, businessman, ng Garrido St.sa Sta.Ana.

Lingid sa mga suspek , isang Antonio Cuyugan, ang nag-report sa naturang himpilan ng pulisya kaya agad na ikinasa ang pagsalakay

Dito na nagsanib puwersa ang mga tauhan ni Mirando at ng ilang mga tauhan ni P/ Major Cicero Pura, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD , at natimbog ang mga suspek.

Matapos isailalim sa medical checkup, itinurnover na ang lima sa tanggapan ng MPD – General Assignment Investigation Section. Inihanda ni P/SSg Kaiser Mijares ang mga dokumento ng pag aresto.

AUTHOR PROFILE