Default Thumbnail

5 bomba, granada nakuha sa Nueva Ecija

September 17, 2023 Steve A. Gosuico 183 views

LLANERA, Nueva Ecija–Nakadiskubre ng limang vintage bombs at isang granda sa lalawigang ito noong Sabado.

Unang nadiskubre ang limang vintage bombs sa isang junkshop sa Bgy. Inanama, Llanera, Nueva Ecija bandang 11:30 ng umaga, ayon kay Police Captain Franklin D. Sindac, Nueva Ecija police provincial information chief.

Aksidenteng nadiskubre ang limang unexploded projectiles nang may magbenta sa junk shop at hinalungkat ang mga gamit sa shop.

Samantala, iniulat ni Lt. Col. Reynold Macabitas, Guimba police chief, na isang granada na hindi pa sumasabog ang aksidenteng nahukay ng mga construction workers sa likod ng ginagawang bahay sa Purok 5, Bgy. San Roque noong Sabado.

I-tinurn-over sa Nueva Ecija provincial explosives and canine unit para sa kaukulang disposisyon ang mga nakuhang pampasabog.

AUTHOR PROFILE