Cancer Namahagi ng mga grocery items ang mag-asawang Hans at Carfol Sy at asawa nitong si Carol Sy sa mga benepisyaryo na nanunuluyan sa Child haus. Kuha ni JONJON C. REYES

5 batang cancer survivor pinasaya ngayong Pasko

December 9, 2024 Jonjon Reyes 191 views

PINANGUNAHAN nina Hans Sy, chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings, kasama ang kanyang maybahay na si Carol Sy at beauty icon na si Mader Ricky Reyes,ang pagbibigay ng regalo sa mga benepisyaryo ng CHILD Haus para sa taunang Christmas party ng mga ito.

Nakisaya sila sa mga cancer survivor na may temang “CHILD Haus Christmas Tree of Hope.”

Ipinagkaloob sa limang batang may kanser na natapos na ang kanilang paggamot ang napakagandang regalo na makakauwi na sila bago ang araw ng Pasko.

Nakilahok din sa kasiyahan ang mag-asawan Sy.

Kasabay nito ay pinarangalan ni Mother Ricky Reyes ang mga taong walang sawang tumutulong sa CHILD haus.

Matapos ang nasabing party ay namahagi ng mga groceries at regalo sa mga bata na nanunuluyan sa Child Haus sa Agoncillo St,.Ermita Manila.

AUTHOR PROFILE