Knife

5-ANYOS KINATAY NG PINSAN

October 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 324 views

Ginilitan sa leeg ng parang manok

PATAY ang isang limang taong gulang na batang lalaki matapos katayin na parang manok at gilitan sa leeg ng kanyang pinsan sa Iriga, Camarines Sur.

Ang biktima ay ideneklarang dead on the spot sa hospital.

Arestado naman ang suspect na itinago sa pangalang alyan Annton , 22 –anyos, hinihinalang lango sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Iriga City Police Station spokesperson Captain Bella Cerno, naganap ang incidente sa tahanan ng biktima.

Sa salaysay ng suspect, sinabi umano nito na tila may naririnig siyang bumubulong sa kanya at nagsasabing kailangan niyang pumatay ng tao para magka-anak.

Ayon sa opisya, wala naman silang nakitang provocation sa parte ng bata na posibleng maging dahilan upang ikairita ng suspect.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung ano ang motibo ng suspect at kung gumagamit ba ito ng illegal na droga.