Gng.Sara Malinay GIFT-SHARING–Si Gng.Sara Malinay President ng Golden State Colleges na nagbigay ngiti sa 50 cancer survivors mula sa gift sharing foundation na kanyang handog sa kanyang kaarawan Dec. 14. 2024 na ginanap sa Gen Santos City. Kasabay din ang pamamahagi ng gift packs sa 5000 inbidwal sa nasabing Lungsod.Kuha ni ROY TOMANDAO

4K indigents, 2K pulis, teachers, cancer patients tumanggap ng pamaskong handog

December 14, 2024 People's Tonight 255 views

GENERAL SANTOS CITY — Muling pinatunayan ng isang kilalang pilantropo mula sa lungsod na ito at San Pablo city, Laguna na ang pagbibigayan at pagkalinga sa kapuwa ay isang ehemplo ng pagiging makadiyos at makataong paglillingkod.

Sa isang masaya at matagumpay na Gift Sharing event na ginanap sa Golden State Colleges sa nabanggit na lungsod, pinangunahan ni Gng. Sarah Malinay, may ari at Directress ng eskwelahan ang pamimigay ng food packs at groceries sa mahigit na anim na libong indigent individuals, pulis, teachers at lalong higit sa 50 cancer patients na nakatanggap ng tig-5 libong pisong cash para sa kanilang medikasyon.

Dinaluhan din ang nasabing Gift Sharing ng pamilya ni Gng. Manilay sa pangunguna ng kaniyang asawa na si G.Warren Manilay na tumatayong Chairman of the Board kasama ang kanilang mga anak na sina John, Mie, Jessica at Jed.

Sa nabanggit pa rin na gift-sharing ng pamilya Manilay sa mga kapus-palad na taga Gensan, partikular na ipinahayag ng celebrant na tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan palagi niyang ginagawa ang paglingap sa mga mas higit na nangangailangan.

Ayon pa kay Gng. Manilay hinding hindi niya nakakaligtaan na ibahagi sa mga cancer patients ang bahagi ng kaniyang tagumpay dahil ito ang ipinamulat ng ka niyang mga magulang, ang magkaloob kung ano man meron siya.

Tumulo naman ang luha ng mga magulang ng mga kabataan na dinapuan ng sakit na cancer habang tinatanggap ang cash na personal na iniabot ni Gng.. Manilay.

Ayon kay Tristan Villarosa, isang Palarong Pambansa gold medalist sa swimming na putol ang kaliwang paa, lubos na nagpapasalamat ang kanilang pamilya sa walang tigil na pinansiyal na tulong mula sa pamilya Manilay.

Ang okasyon ng nasabing Gift- Sharing na ginanap sa main campus ng Golden State ay dinaluhan din ng mahigit sa 15 libong estudyante ng naturang.

AUTHOR PROFILE