Kulong Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete hepe ang suspek na may nakabinbing kaso ng 2 counts ng Acts of Lasciviousness habang nakakulong sa MPD.

49-anyos na kelot himas selda sa kaso ng kalaswaan

November 8, 2024 Jonjon Reyes 151 views

SWAK sa selda ang 49-anyos na lalaki dahil sa kasong acts of lasciviousness makaraang madiskubre sa loob ng kulungan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) noong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si alyas Alvino ng Tonsuya, Malabon.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng DSOU, nahaharap sa kasong 2 counts ng acts of lasciviousness ang suspek.

Inaresto siya sa warrant of arrest galing kay Judge Abigail Santos Dongo Laylo, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 4 Family Court ng Malabon City.

AUTHOR PROFILE