
48 ospital ininspeksyon ng ARTA kung may red tape
APATNAPU’T–walong ospital sa Metro Manila ang ininspeksyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) para matiyak kung sumusunod sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Act of 2017.
Sa naturang batas, inatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga pampublikong ospital, na alisin ang red tape at pabilisin ang proseso sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Pinangunahan ang isang linggong pagbisita sa mga ospital ng Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) .
Kabilang sa mga ospital na inikot ng ARTA ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at ang Quirino Memorial Medical Center.
Ayon sa ARTA, mahalaga ang inisyatibong ito para sa bubuuing Executive Order (EO) na magsasaayos sa proseso ng medical assistance applications sa lahat ng pampublikong ospital sa bansa.