Walang tigil ang fumigation at misting sa General Trias, Cavite para labanan ang paglobo ng dengue cases.
43 patay sa dengue sa Cavite; kaso 10, 119 na
UMABOT na sa 10,119 ang kaso ng dengue sa Cavite mula noong Enero, ayon sa datos ng Cavite Provincial Health Office noong Sabado.
Ayon kay Dr. Nelson Soriano, Cavite Provincial Health Officer, 43 na ang namamatay sa dengue sa taong ito. Sobrang taas ng fatality rate kumpara sa 5 namatay noong 2023.
Imus City ang may pinakamataas na kaso sa 1,532, Bacoor, 1,500; General Trias, 1,183; City of Dasmarin̈as, 1,101; Trece Martires City, 904; at Tanza, 847.
Karamihan sa mga tinamaan ng dengue mga lalaki (5,345 o 53 percent).
Kamakailan, idineklarang nasa state of calamity ang Dasmariñas dahil sa outbreak ng dengue.