41 dayuhan na naaresto sa Bataan nagpakita sa BI
KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na humarap na sa kanila para sa reportorial obligation ang 41 na dayuhang naaresto sa Bataan noong Nobyembre.
Bilang kondisyon ng paglilipat ng kustodiya, kinakailangang magpakita ang lahat ng 41 sa punong tanggapan ng BI sa Intramuros, Manila dalawang beses kada buwan.
Ang 41 na dayuhan binubuo ng 22 Malaysians, 2 Chinese, 1 Pakistani, 2 Vietnamese, 6 na Bangladeshi, 1 Indonesian, 6 na Brazilian at 1 Thai.
Nilinaw ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga kaso laban sa naturang mga dayuhan nananatiling aktibo at nakatuon ang BI sa pagsunod sa due process alinsunod sa utos ng Malacañang.
Sinabi niya na ang mga naarestong dayuhan nahaharap sa deportation cases dahil sa grounds of undesirability.
Ang bail via recognizance nangangahulugan na ang mga subject hindi pinalalaya ngunit ang pisikal na kustodiya inililipat sa indibidwal na nagbibigay ng legal na garantiya habang nililitis ang kaso ng deportation.
Ang 41 na dayuhan naaresto ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Central One Bataan noong Oktubre 31.
Sa grupo, isang dayuhan na kinilalang si Handoyo Salman, 40, nadeport na noong Nobyembre 21 matapos matukoy na “fugitive from justice.”
Sinabi ni Viado na ang 41 na dayuhan patuloy na nililitis at kung mapatunayang may sala, made-deport alinsunod sa mga batas ng imigrasyon ng Pilipinas.