DOH Source: DOH FB file photo

40 Ecija school heads na kasama sa Subic education tour naospital

June 7, 2024 Steve A. Gosuico 419 views

Food poisoning pinaghihinalaan

CABANATUAN CITY – Naospital ang mahigit 40 school heads sa Nueva Ecija na kasama sa limang araw na educational tour sa Subic, Zambales dahil sa hinihinalang food poisoning, ayon sa ulat.

Isinugod umano ang ilan sa mga biktima sa James L. Gordon Memorial Hospital at Allied Care Expert Medical Center sa Subic para magamot dahil sa matinding pagtatae at pagsusuka noong Hunyo 3.

Hindi naman agad nalaman kung anong uri ng pagkain ang isinilbi sa mga biktima na nag-trigger umano sa insidente.

Ang limang araw na seminar ay ginanap sa isang three-star hotel sa Subic Bay mula Hunyo 2 hanggang 6.

Karamihan sa biktima ay mga guro mula sa Department of Education-Schools Division Office ng Nueva Ecija na kalahok sa seminar na tinawag na “Division Training of School Trainers on the Matatag Curriculum.”

Sinubukang kunin ng Journal Group ang panig ng DEPED-SDO-Nueva Ecija nitong Huwebes ng umaga ngunit hanggang sa isinulat ang balitang ito ay wala pa silang tugon sa kanilang email address.

AUTHOR PROFILE