4 timbog sa P630K MJ sa Baseco

March 19, 2022 Jonjon Reyes 162 views

APAT na individual na kinabibilangan ng isang estudyante ang binitbit ng mga operatiba ng Manila Police Ditrict (MPD) matapos na makunan ng 5 kilong bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana (MJ) sa ikinasang buy-bust operation sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Ryean Espinosa, 18, estudyante; Robin Diaz, 24; Frances Jude Delmo, 26; at John Ferry Bayrante, pawang residente sa Tambakan, Baseco Compound, Port Area.

Batay sa ulat ng MPD (Manila Police District)-Baseco Police Station 12, pasado alas-7:30 ng gabi nang ikasa ang buy-bust sa Tambakan Street sa Baseco Compound.

Una rito, nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya sa iligal na gawain ng mga suspek kaya ikinasa ang operasyon.

Dito na nagkabilihan at narekober pa umano ang dalawang bagpack na naglalaman ng 5,250 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P630,000.

Dahil dito, hindi na nakapalag ang apat nang arestuhin na sila ng mga awtotidad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act of 2002) ang apat na binatilyo. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE