4 timbog sa P240K MJ sa Tondo

April 1, 2022 Jonjon Reyes 136 views

SWAK sa selda ng Manila Police District (MPD)-Moriones Police Station 2 ang apat na hinihinalang tulak ng droga, makaraang ikasa ang buy-bust operation at makasamsam ng dalawang kilong dahon ng marijuana (MJ) sa Tondo, Maynila iniulat ng pulisya.

Nakilala ang mga suspek na sina Arman Estopin, 32, Bryan Garsola, 27 – kapwa binata ng Carlos P. Garcia St., Bgy. 123 Tondo; Marvin Candazo, 30, at Rene Tolentino, 60, parehong residente ng Maharlika St., Bgy. 85 sa Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng MPD-Station 2, bandang 10:30 p.m. ng Huwebes ng ikasa ang buy-bust sa panulukan ng Moriones at Wagas sa Bgy. 46 sa naturang lugar.

Dahil na rin sa direktiba ni MPD-Director P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na sugpuin ang droga sa kamaynilaan, iniutos ni Lt. Col. Lorenzo sa kanyang mga tauhan ang pagdakip sa mga “anay” sa kanyang nasasakupan.

Sa pangunguna ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) nagsagawa ng pagmamanman sa lugar at nang magpositibo dito na inilatag ang operasyon sa pamamagitan ni Patrolman James Doquenia na nagpanggap na buyer sa halagang P500.

Nang magkaabutan ng MJ kapalit ng pera, isang hudyat ang isinenyas ni Doquenia para dakmain ang apat.

Narekober ang 5 bultong plastic sachet na hinihinalang marijuana na aabot sa 2000 gramo katumbas ng halagang P240,000.

Dahil dito, ang apat ay nahaharap sa paglabag sa Section 5 at 11 (Selling/Trading and Possession of Dangerous) Art II of RA 9165 na inihanda ni P/Ssg. Rex Falogme, may hawak ng kaso. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE