Kulong

4 timbog sa murder, attempted murder sa Batangas

October 7, 2023 Jojo C. Magsombol 205 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Apat na lalaki ang inaresto ng mga otoridad noong Biyernes dahil sa mga kaso ng murder at frustrated murder sa Bgy. Poblacion, San Juan Batangas.

Ayon sa mga pulis, sabay-sabay na nasakote ang apat bandang alas-12:30 ng hapon noong Oktubre 6 ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest for murder, attempted at paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Kasalukuyang nakakulong ang apat na suspek sa piitang bayan ng San Juan, Batangas.

AUTHOR PROFILE