Guinto

4 pang bus drivers positibo sa drugs

October 9, 2021 Jun I. Legaspi 515 views

PANIBAGONG apat na bus drivers ang nagpositibo sa illegal drugs sa isa pang random anti-illegal drug operations na ginawa ng Land Transportation Office (LTO) sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.

Ayon kay Atty. Clarence V. Guinto, Director, LTO-Law Enforcement Service (LES) bilang standard operating procedure kinumpista agad ng LTO-Regional Anti-Drug and Drugged personnel ang professional driver’s license ng apat na drivers para sa higit pang investigation.

Ang random anti-drug and drugged operation ay ayon na rin sa strict order ni Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante na siguraduhing ligtas ang bawat biyahe ng mga public transportation lalo na ang mga bus.

Nakabatay din ito sa Republic Act 10586 na nagpaparusa sa mga individual driver na nasa influence ng illegal drug o similar substances at alcohol, saad ni Guinto.

Nagpasalamat din si Guinto sa management ng (PITX) anti-drug unit ng local government ng Paranaque sa pakikipagtulungan sa programa upang mahuli ang mga drivers na nasa influence ng mga illegal drugs o alcohol habang nagmamaneho.

Ayon kay Guinto nakikipag-coordinate na rin sila sa iba pang mga terminal at LGUs para sa mga anti-drug at drugged operations sa hinaharap.

AUTHOR PROFILE