Rapist

4 na suspek sa iba’t-ibang krimen nalambat

June 22, 2024 Edd Reyes 171 views

APAT na suspek sa iba’t-ibang krimen ang nalambat ng mga pulis noong Biyernes sa Pasay, Taguig at Las Piñas.

Magkasabay na isinagawa ng mga tauhan ni Pasay police chief P/Col. Samuel Pabonita ang pagdakip kina alyas Jummong at alyas Mary Ann dakong ala-1:00 ng hapon sa Brgy. 165 at Brgy. 18.

Parehong may warrant of arrest sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang dalawa dahil sa pagdadala at pag-iingat ng droga at walang inirekomendang piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Dakong ala-1:00 rin ng hapon nang matimbog ng mga tauhan ni Taguig police chief P/Col. Christopher Olazo si alyas Mac-Mac sa San Isidro Uno, Paombong, Bulacan.

Nahaharap ang suspek sa kasong panggagahasa.

Alas-5:00 ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ni Las Piñas police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla kay alyas Marven, 30, ang warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, ang pagtugis sa mga kriminal isang mahalagang hakbang sa kanilang layuning mahinto ang mga krimen.

AUTHOR PROFILE