Default Thumbnail

4 na miyembro ng KFR arestado sa Zamboanga, Sibugay

July 1, 2023 Zaida I. Delos Reyes 168 views

TATLONG umano’y miyembro at leader ng Kidnap for Ransom (KFR) group na umano’y may direktang koneksyon sa Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga awtoridad sa Zamboanga,Sibugay.

Ayon kay Police Regional Office-Zamboanga Peninsula (PRO-9) director Brig.Gen. Neil Alinsangan, naaresto si Abral Ibrahim Abdusalam, umano’y leader ng grupo at tatlong kasamahan nito nitong Biyernes sa Barangay Lower Baluranm Imelda, Zamboanga Sibugay.

Si Abdusalam, 41, ay No. 3 most wanted person sa Zamboanga Sibugay at No. 9 sa Region 9.

Siya ay may standing warrants para sa kasong kidnapping at serious illegal detention at murder kung saan walang kaukulang piyansa ang itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Bukod kay Abdusalam, arestado rin sina Janhar Abdulhari Martin, 31; Hamid Attan Abdulsalam, 41; at Marvin Kasim, 41.

Sila ay nahaharap din sa kasong murder sa iba’t ibang korte sa Zamboanga Sinugay.

Sinabi nu Alisangan na ang mga suspects ay sangkot sa kasong kidnapping, gun-for-hire, extortion at iba pang kaguluhan sa Zamboanga Sibugay.