4 na kabataan laglag sa marijuana sa NE
TALAVERA, Nueva Ecija–Timbog sa akto ang apat na kabataan na humihithit ng marijuana sa sementeryo noong Miyerkules sa bayang ito.
Inaresto ang mga suspek habang nagpa-pot session sa sementeryo sa Brgy. Poblacion Sur dakong alas-12:10 ng madaling araw
Dinakip ng mga opisyal ng barangay ang apat at itinurn-over sa himpilan ng pulisya.
Nakuha sa mga inaresto ang dalawang sachets ng marijuana na tumitimbang ng isang gramo at nagkakahalaga ng P1,200, isang glass tube at disposable lighter.
Ang mga naarestong suspek sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Provincial Prosecutor’s Office sa Cabanatuan City.
“Naalarma kami na may mga menor de edad na sangkot pa rin sa mga aktibidad ng droga.
Sisiguraduhin natin ang kanilang pagkakakulong, anuman ang kanilang edad bilang bahagi ng ating pangako na puksain ang banta na ito at tiyakin ang kinabukasan ng ating mga kabataan,” sabi ni Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand Germino.