
4 na ipo–ipo namataan sa Bohol
APAT na ipo-ipo ang namataan sa karagatan ng Garcia Hernandez, Bohol nitong Huwebes ng umaga.
Sa kuha ng mga netizen na ini-upload sa social media, makikitang magkakalapit ang mga ipo-ipoi sa dagat.
Ayon sa mga residente, nakita ang mga ipo-ipo dakong 6:00 ng umaga at naglaho bandang 8:00 ng umaga.
Malakas umano ang ulan sa lugar nang mapansin ng mga residente ang apat na ipo-ipo sa dagat .
Paliwanag ng PAGASA, maaring mabuo ang waterspout o ipo-ipo kapag malakas ang thunder storm at maaring magkaroon ng ilang ipo-ipo sa iisang lugar kung malawak ang sakop ng thunder storm.