Default Thumbnail

4 na bahay sa Baler, wasak sa storm surge

May 30, 2023 Zaida I. Delos Reyes 264 views

APAT na bahay na pawang gawa sa light materials ang nawasak dahil sa storm surge at high tide na dulot ng pananalasa ng bagyong “Betty” sa Baler, Aurora.

Batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), naganap ang insidente dakong 1:30 ng tanghali (Mayo 29) sa tabing dagat ng Barangay Buhangin, Baler, Aurora.

Ayon sa ulat, umabot sa tatlong metro ang taas ng storm surge at isang metro naman ang high tide na humampas sa mga kabahayan.

Wasak at halos walang natira sa mga bahay na napinsala.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng mga opisyal ng barangay sa pinsala para mabigyan ng ayuda ang mga apektadong pamilya.