4 na babaeng rebelde sumuko sa Batangas
APAT na babaeng rebelde ang sumuko sa mga otoridad sa Brgy. Bilaran, Nasugbu, Batangas noong Miyerkules.
Sumuko sina alyas May/Ella/Mela at alyas Mayet/Bridyet, ayon kay Batangas police director PCol. Jacinto Malinao Jr.
Pinangasiwaan ni P/Lt. Col. Garman Manabat kasama ang mga tauhan ng Rosario police at 59th Infantry Battalion ng Philippine Army ang pagsuko ng mga dating rebelde.
Isinuko ni alyas Mayeth ang isang caliber .38 revolver, 750 gramo ng Ammonium Nitrate Fuel Oil (ANFO), isang detonating cord, isang 12-inch time fuse at isang hand grenade.
Isinuko ni alyas Ella/Mela ang isang rocket propelled grenade (RPG). Nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis ang dalawa para sa custodial debriefing at iba pang mga kinakailangang dokumento para sa kanilang aplikasyon sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Sumuko rin si alyas Margie ng Haligi ng Batangueñong Anak Dagat (HABAGAT) sa Lian, Batangas chapter pasado alas-4:00 ng hapon.